https://journal.com.ph/sites/default/files/styles/article_small/public/media_images/2019-12/Bong-Go_2.jpg?itok=RZOFg9UB%20375w,%20/sites/default/files/styles/article_medium/public/media_images/2019-12/Bong-Go_2.jpg?itok=ODV8XwyI%20668w,%20/sites/default/files/styles/article_large/public/media_images/2019-12/Bong-Go_2.jpg?itok=fbIw55zZ%20989w

Dahil sa sunud-sunod na kalamidad Disaster Dept. madaliin—Go

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Kongreso na madaliin ang paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) dahil madalas magkaroon ng lindol at iba pang kalamidad sa bansa tulad ng pananalasa ng bagyong Tisoy kamakailan.

Sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng bagyo sa Daraga,  Albay, sinabi ni Go na kailangan nang maipasa ang panukalang paglikha sa DDR upang magkaroon ng iisang ahensiyang tutukan sa kalamidad.

“Ang DDR dapat lang po maipasa ito. Bilisan na po natin sa Kongreso. I urge my colleagues sa Senado at sa mga Congressmen na sana po ay bilisan na natin to para ma-certify as urgent (ng Pangulo),” ayon kay Go sa ambush interview.

Aniya, tinatalakay ngayon ng komite sa Senado ang panukala at maaari itong gawing “certified as urgent” ni Pangulong Duterte kapag mayroon ng committee report.

“Tapos na kami sa isang committee hearing, napag-usapan na namin ito. Bilisan na natin, huna magkaroon ng bagyo, sunog o earthquake,” ayon kay Go.

“Para meron nang isang departamento na nakatutok na lalapitan ng tao at makikipag-coordinate (with) all agencies,” dagdag pa niya.
disaster-resilient communities.

Aniya, layunin ng panukala na magbuo ng malinaw na sistema sa responsibilidad para sa   disaster preparedness at pagtugon sa lahat ng antas ng pamahalaan sa harap ng dumadami at lumalakas na kalamidad sa  bansa.

Sa pamamagitan ng panukala, gagawin nang Local Disaster Resilience Offices ang umiiral na   Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) offices.

Lilikha din ng isang Disaster Resilience Fund upang pondohan ang DDR sa operasyon,  disaster risk reduction, disaster preparedness, response, recovery, rehabilitation at pagbubuo ng forward better programs, projects at aktibidad sa pambansang antas.

Bubuin din ang National Disaster Operations Center na may kasabay na  Alternative Command and Control Centers, saka lilikhain ang Disaster Resilience Research and Training Institute upang magbigay ng kasanayan at pangolekta, mag-ipon, mamahala at mag-share ng kaalaman at impormasyon upang patingkarin ang disaster resilience.

Sa kasalukuyang, kalat-kalat ang disaster-related responsibilities sa ilang ahensiya ng pamahalaan.