https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ABANTE-sandiganbayan.jpg

Gobyerno tablado sa P1B tagong yaman vs Marcos, Tantoco

IBINASURA ng Sandiganbayan ang apela ng gobyerno na baliktarin ng anti-graft court ang desisyon nito na nagbabasura sa P1 billion ill-gotten wealth case na isinampa laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at maybahay nitong si Imelda Marcos gayundin kina Bienvenido Tantoco Sr. at Gliceria Tantoco.

Hindi sinang-ayunan ng anti-graft court ang motion for reconsideration na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Batay sa resolusyon ng Sandiganbayan 2nd Division na inilabas noong Nobyembre 20, ibinasura ang apela ng PCGG dahil sa kakulangan ng merito sanhi ng kabiguan na magharap ng mga bagong argument sa ill-gotten wealth case.

Noong buwan ng Setyembre unang ibinasura ng Sandiganbayan ang P1 billion ill-gotten wealth case dahil sa kakulangan umano ng sapat na ebidensiya bukod sa pawang photocopy lamang na hindi katanggap-tanggap sa ilalim ng rules of evidence.

Ang kaso ay may kaugnayan sa 11 real estate property ng pamilya Tantoco na nasa Pilipinas, Hawaii at Rome gayundin ang shares of stocks nito sa 19 kompanya, ilang motor vehicle, tatlong Cessna aircraft, cash at pera sa bangko, at mga alahas.

Hindi rin umano napatunayan ng PCGG na umakto si Tantoco bilang dummy ng mag-asawang Marcos para makuha ang prangkisa up0ang makapag-opoerate ng Tourist Duty Free Shop.