https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/us-2.jpg

Pinoy seaman inatake sa dagat, sinagip ng US Coast Guard

AGAD tumugon ang isang U.S. Coast Guard helicopter crew para madala patungong ospital ang isang 29-anyos na Filipino crew member ng Marella Explorer 2 cruise ship noong Martes na inatake sa puso.

Nasa gitna ng paglalayag ang cruise ship mula Bridgetown, Barbados patungong Tortola, British Virgin Islands dakong alas-10:47 ng gabi nang i-report sa Coast Guard ang insidente, ayon sa Inquirer report.

Agad nag-deploy ng rescue swimmer para suriin ang kondisyon ng pasyente.
Kalaunan ay dinala na ang Pinoy crew sa Juan F. Luis Hospital sa St. Croix sa nabanggit na isla. (Issa Santiago)