https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/bagyong-ompong.jpg

Parating na bagyo kasing lakas ni ‘Reming’, ‘Glenda’

INIREKOMENDA ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga Local Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office na paghandaang mabuti ang paparating na bagyo na maikukumpara umano sa mapaminsalang bagyong ‘Reming’ at ‘Glenda’.

Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo, may international name na ‘Kammuri’ at papangalanang ‘Tisoy’ sa oras na pumasok sa bansa, sa direksyong tinahak ng bagyong ‘Glenda’ noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 13 hanggang 17, 2014.

Sa talaan ng ahensya, kumitil ng 106 buhay si ‘Glenda’ habang 734 naman ang kay ‘Reming’.

Huling namataan ang si ‘Kammuri’ sa layong 1,470km sa sila­ngan ng Southern Luzon sa labas pa rin ng Philippine Area of Res­ponsibility, taglay ang lakas ng hangin na 140 kph at bugso na 170 kph.

Ayon sa track ng Pagasa, Sabado hanggang Linggo nang umaga ito inaasahang papasok ng PAR at magla-landfall sa Catanduanes.

Maaari itong magdala ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region at Samar province, gayundin sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila.

Nilinaw naman ni Pagasa Weather Division Chief Dr. Esperanza Cayanan na sa ngayon ay nanatiling naliit ang tiyansa na maging auper typhoon ng paparating na bagyo.