https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/digong.jpg

Militar na ang susunod na mag-o-organize — Digong

KASUNOD ng mga napaulat na kaliwa’t kanang gulo at aberya sa ginaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games kung saan host ang bansa, sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ang militar na ang aatasan nitong mag-oorganisa ng international events na gaganapin sa bansa.

“Itong mga ganito should be handled by military men. Not because… Well, they are better organizers because the entire Armed Forces is one big organization and they are trained to be structural in thinking,” saad ni Duterte sa panayam ng media sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

“So the next time na… Had I known, I would have insisted na — heretofore, I will insist na military to handle it. The planners in the military. Not the military, not the soldier sa infantry. ‘Yung planners ng military shall handle it,” sundot pa nito.

Ayon pa sa Pangulo, mas bet aniya niya ang mga dating military men sa gobyerno dahil sumusunod ang mga ito sa patakaran at nagagawa nang mabilisan ang trabaho.

“Mas ano ako, kampante ako. Kasi itong mga — mga military hindi masyado ano sa corruption. ‘Pag sinabi mo, “Magtrabaho ka at gawin mo ‘yan at anong klaseng ano — ayusin mo ang Boracay.” You give the money, may sobra pa, and the thing is fixed. So karamihan itong mga civilian, lalo ang volunteers hindi mo makuha ‘yan nang ganun,” pagtatapos pa nito. (Prince Golez)