Noble queen of the universe candidates suportado ng mga asawa

by

KUNG very supportive ang American chiropractor doctor-husband ni Patricia Javier na si Doc Walcher sa kanyang singing and acting career at pagiging kandidata sa first Noble Queen of the Universe na gaganapin ngayong Linggo, December 1, 2019 sa grand ballroom ng Manila Hotel, ganoon din ang ipinakitang suporta ng German-American husband ng isa sa mga candidates na si Thelma Lassig na si Shawn Lassig maging ang mga anak (sa unang asawa) ni Thelma at ibang kaanak from Bohol.

Sina Patricia at Thelma ay kasama sa 20 candidates ng Noble Queen of the Universe  mula sa iba’t ibang region at bansa na ipinakilala sa media kamakailan lang.

Si Thelma ay 30 taon nang namimirmihan sa Utah, USA at may limang anak sa unang asawa mula sa US Air Force kung kanino siya divorced.  

Ang isa pa sa mga kandidata ng inaugural Noble Queen of the Philippines ay ang kaisa-isang anak ng Jukebox Queen at Vice-Governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin na si Marie France Papin Carrion na naka-base sa Las Vegas, Nevada.

Ang advocacy-based beauty competition na Noble Queen of the Universe ay kauna-unahang proyekto ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. na pinamumunuan ng Chairman of the Board, ang banker at entrepreneur na si Erilene Noche-Tumali.