Bea at Angelica, loveless pero hit ang pelikula

by

NAKA-ALMOST P10-M sa opening day ng pelikulang “Unbreakable” sa mga sinehan nationwide last Wednesday, November 27 at patuloy pa ring pinipilahan hanggang ngayon.  Ito’y pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez at balik directorial job ni Mae Cruz -Alviar under Star Cinema.

Ang “Unbreakable” ay first team-up sa pelikula nina Bea, Angelica at Richard.  Ito rin bale ang first movie ni Bea after her controversial break-up with Kapamilya actor Gerald Anderson nung nakaraang July at ni Angelica matapos maudlot ang muli nilang pagkakabalikan ng dating nobyong si Carlo Aquino.  First movie rin ito ni Richard sa bakuran ng Star Cinema matapos siyang maging isang  Kapamilya in 2017.  Ito rin ang latest movie ni Richard bago siya ikasal sa kanyang fiancée na si Sarah  Lahbati in March 2020.

Kung masaya ang lovelife ngayon ni Richard kasama si Sarah at ang dalawang anak na sina Zion at Kai, loveless naman ngayon sina Bea at Angelica.