https://journal.com.ph/sites/default/files/styles/article_small/public/media_images/2019-11/Dimples-Romana_0.jpg?itok=H8CWqX2I%20375w,%20/sites/default/files/styles/article_medium/public/media_images/2019-11/Dimples-Romana_0.jpg?itok=l2uvK6HN%20668w,%20/sites/default/files/styles/article_large/public/media_images/2019-11/Dimples-Romana_0.jpg?itok=kkFnh_5-%20989w

Dimples trabaho lang ang gusto

by

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang actress-host na si Dimples Romana sa tuluy-tuloy na blessings na dumarating sa kanya hindi lamang sa TV projects kundi maging sa pelikula at product endorsements.

Ayon sa 35-year-old actress-host, ang gusto lang naman ay ang tuluy-tuloy na pagkakaroon ng trabaho pero hindi niya akalain na mabibigyan din pala siya ng pagkakataon na maging celebrity endorser ng iba’t ibang produkto tulad ng skin care brand na Skin Magical at ang ang pagiging brand ambassador niya ng JuanLife Personal Accident Insurance ng Agile Insurance Agency and Business Technologies, Inc.

May pelikula rin siyang kalahok sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival, ang “The Mall, the Merrier” with Vice Ganda and Anne Curtis.

Dimples is happily married for 16 years  sa kanyang non-showbiz husband na si Boyet Ahmee.  May dalawa na rin silang anak na sina Callie at Alonzo.

Dimples does not mind kung makilala man siya bilang isang character actress tulad ng kanyang popular role as Daniela Mondragon sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto”.

She got married at 18 in 2003 kung kelan nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.  Pero muli siyang nagbalik matapos magkaroon ng dalawang anak.