https://journal.com.ph/sites/default/files/styles/article_small/public/media_images/2019-11/Vhong-Navarro.jpg?itok=2zG3odUH%20375w,%20/sites/default/files/styles/article_medium/public/media_images/2019-11/Vhong-Navarro.jpg?itok=qoVy3jyk%20668w,%20/sites/default/files/styles/article_large/public/media_images/2019-11/Vhong-Navarro.jpg?itok=5Hm2ovZ4%20989w
Vhong Navarro and Tanya Bautista

Vhong at bagong misis nag-enjoy sa lamig ng Japan

by

PRESENT din pala ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce sa wedding ceremony  at reception na ginanap sa Four Seasons Hotel in Kyoto, Japan ng newlywed couple na sina Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista nung nakaraang Huwebes, November 28 (not November 29) na dinaluhan din ng mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime”, ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, maging ng dating mga kasamahan ni Vhong sa Streetboys dancers kung saan kasama sina Jhong Hilario at Danilo Barrios at iba pa.

Sa halip na isang traditional slow dance ang sayawin ng bagong couple na sina Vhong at Tanya ay nagpakitang gilas ang dalawa sa pamamagitan ng isang hip-hop dance to the tune of “Chicken Noodle Soup” ni DJ Webstar at Young B na ikinatuwa ng mga dumalong bisita.

Hindi lamang pala magaling na writer (ng ABS-CBN) si Tanya kundi isa ring mahusay na dancer na tila namana na niya sa kanyang husband na ngayon na si Vhong.  Sumayaw din si Vhong kasama ang Streetboys.

Malamig ang klima ngayon sa Japan kaya nag-enjoy ang lahat na um-attend sa wedding nina Vhong at Tanya.

Samantala, tumayong principal sponsors nina Vhong at Tanya sina Edgar `Bobot’ Mortiz (actor-director ng “Home Sweetie Home: Extra Sweet,”) Bobet Vidanes (director ng “It’s Showtime,”) Laurente Dyogi (TV production head ng ABS-CBN), Ruel Bayani (director and business  unit head), sina Dra. Vicki Belo, Cory Vidanes, Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Olivia Lamasan (current managing director ng Star Cinema), Malou Santos (dating managing director ng Star Cinema). Tumayo namang groomsmen ni Vhong sina Piolo Pascual, Zanjoe Marudo, Ryan Bang, Billy Crawford, Jhong Hilario at Arwind Santos.  Pawang non-showbiz naman ang mga bridesmaids ni Tanya.